^

Bansa

Pagtakbo ng mga Ampatuan sa 2013 hindi mapipigilan

Ludy Bermudo/Rudy Andal/Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil umano sa kawalan ng batas kontra sa political dynasty, aminado si Justice Secretary Leila de Lima na walang magagawa ang gob­yerno sa napaulat na pagtakbo ng 74 na miyembro ng angkan ng Ampatuan sa mga lokal na posisyon sa Mindanao sa 2013 midterm elections.

Bunsod nito, suportado ni de Lima ang pahayag ng Commission on Elections (Comelec) na nasa kamay na ng mga botante ang pagtugon sa nasabing isyu. Ipinaliwanag ni de Lima na bagamat nasa Konstitusyon ang pagbabawal sa political dynasty, nananatiling hamon ang pagtupad sa nasabing probisyon dahil sa kawalan ng tinatawag na enabling law.

Ipinagtanggol naman ng Malacañang ang mga kandidatong Ampatuan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, kahit kaapelyido ang mga kandidato sa Maguindanao ng suspek sa Maguindanao massacre na sina dating Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr. at dating ARMM Gov. Zaldy Ampatuan ay iba naman daw ang pag-uugali ng mga ito.

Aniya, nasa 5-6 na mula sa angkan ng Ampa­tuan ang tatakbo sa ilalim ng Liberal Party  (LP) sa darating na May 2013 elections sa Maguindanao sa iba’t ibang local positions.

Una nang sinabi ni Sen. Franklin Drilon na hindi papayagan ng LP ang mga Ampatuan na kumandidato sa ilalim ng kanilang partido.

 

AMPA

AMPATUAN

ANDAL AMPATUAN SR.

ANIYA

JUSTICE SECRETARY LEILA

LIBERAL PARTY

MAGUINDANAO

MAGUINDANAO GOV

PRESIDENTIAL SPOKESMAN EDWIN LACIERDA

ZALDY AMPATUAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with