^

Bansa

Mga kawatan harangin sa 2013 - PNoy

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinikayat ni Pangulong Aquino ang mga miyembro ng non-govern­mental organizations na huwag hayaang makabalik sa poder sa darating na May 2013 elections ang mga ‘kawatan’ at ‘nanlalamang’.

Sinabi ni Pangulong Aquino sa 5th National Assemby ng Code-NGO sa Quezon City, bukod sa pagbabantay sa mga balota ay dapat maging gabay sila ng mamamayan sa pagpili ng mga ita­talagang pinuno ng bayan.

“Sa matagal na panahon ay nasadlak tayo  sa pag-iisip na pare-pa­reho lang ang lahat ng gustong maglingkod sa gobyerno pero nakita ninyo ang pagkakaiba ng estilo ng aming pamumuno, sa dinatnan nating status que,” wika pa ng Pangulo.

“Hahayaan ba nating pamunuan tayong muli ng mga kawatan at nanlalamang, huwag naman sana,” pakiusap pa ni PNoy sa mga miyembro ng Code-NGO.

Aniya, nagawa ng kan­yang administrasyon na posible ang pagbabago sa loob lamang ng maik­ling panahon dahil sa mga taong naging katuwang niya sa tuwid na daan.

Sa susunod na mga taon ay tiyak anya na mas mapipintog pang bunga ang ating mapipitas  kung iisa pa rin ang direksyong ating tinatahak.

Pinuri din ng chief exe­cutive ang nagawang tulong ng NGO’s sa pagsusulong ng tuwid na landas ng gobyerno.

 

vuukle comment

ANIYA

HAHAYAAN

HINIKAYAT

NATIONAL ASSEMBY

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PINURI

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with