LP, UNA bets gitgitan na sa survey
MANILA, Philippines - Gitgitan ang mga kandidato ng administrasyon at United Nationalist Alliance (UNA) sa pinakahuling nationwide survey na isinagawa ng Laylo Research Strategies nitong unang linggo ng Nobyembre.
Umabot sa 1,200 ang tinanong na mga respondents para sa 2013 senatorial elections kung saan pumasok sa top 12 ang pitong kandidato ng administrasyon at lima naman ang pumasok sa UNA.
Nanguna sa survey si Sen. Loren Legarda na may 75 percent, pangalawa si Sen. Francis Chiz Escudero, 68%; Sen. Alan Peter Cayetano, 66%; Cong. Jack Enrile, 62%; pang-lima si dating Las Piñas Cong. Cynthia Villar na may 61%, at pang-anim si Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III na may 57%.
Pasok din sa survey at pang-pito si Sen. Gregorio Gringo Honasan (56%), Rep. JV Estrada (51%), Nancy Binay (48%), Sen. Antonio Trillanes (48%), dating senator Migs Zubiri (47%) habang tabla sa pang-12 pwesto sina former Sen. Richard Gordon at Cong. Sonny Angara na kapwa may 46%.
Pang-14 si dating Sen. Jamby Madrigal (40%), Bam Aquino (32%), dating senator Jun Magsaysay (30%), Ernesto Maceda (27%) at Rizza Hontiveros, 22 percent.
Ang Laylo Research Strategies ay bago at isang independent public opinion survey.
- Latest