PNP chief Bartolome susuporta sa 2012 Defense & Sporting Arms Show
MANILA, Philippines - Pangungunahan ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Nicanor Bartolome ang pagbubukas ng 2012 Defense & Sporting Arms Show (DSAS) Part 2 sa Nobyembre 29, 2012 sa SMX Convention Center-Mall of Asia, Pasay City.
Pinakaaabangang okasyon ngayong taon, ito ang unang pagkakataon na ang pinaka-prestihiyosong gun show sa bansa na ngayon ay nasa ika-20 taon na, ay sasabayan ng 6th Manila Auto Salon, ang pinakamalaking auto aftermarket fair sa Pilipinas, na inaasahang dadayuhin ng mga mahilig sa makabagong baril at magagarang kotse.
Ang pinag-isang DSAS-MAS event ay tatagal ng apat na araw – mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 2.
Ayon kay Neri Dionisio, pangulo ng Association of Firearms and Ammunition Dealers (AFAD), bukod sa malaking bilang ng mga modernong armas na ipakikita sa gun show, marami ring libreng seminar ang kanilang inihanda para sa publiko.
Ang mga ito ay ang responsible gun ownership ng A2S5 Coalition, gun handling and safety, future of sport shooting, how to check gun reliability at proper gun maintenance.
Umabot sa 131 ang kabuuang bilang ng mga event booth ang makikibahagi sa ikalawang bahagi ng DSAS ngayong taon.
Tampok din ang mga lecture sa martial arts tulad ng Krav Maga Israeli self defense, ARNIS: Self-Defense, Military, Police, Security and Sports Applications in Perspective, Kali de Leon: Filipino Martial Arts in Transition at The World of Sporting Knives 2.
Mayroon ding mga product demonstration ng iba’t ibang gun dealer at manufacturer.
- Latest