^

Bansa

K-12 lusot na rin

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukalang nagtatatag ng K-12 program ng gobyerno.

Sa ginawang botohan sa plenaryo, 198 na mga kongresista ang bumoto ng pabor habang walo ang tumutol sa House bill 6422.

Kabilang sa mga kontra ang mga militanteng kongresista na sa umpisa pa lamang ay kumokondena na sa K-12 program dahil dagdag gastos lamang umano ito sa mga magulang at kulang ang pasilidad sa edukasyon upang tugunan ang panga­ngailangan nito.

Tumutol din si Davao Oriental Rep. Thelma Almario dahil duda umano ito kung matutugunan ng nasabing panukala ang problema ng edukasyon sa bansa.

Ang K-12 program ay nagdaragdag ng dalawang taon sa basic education para mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga estudyante para maging handa sa pagpasok sa kolehiyo gayundin sa paghahanap ng trabaho.

ANG K

DAHIL

DAVAO ORIENTAL REP

INAPRUBAHAN

KABILANG

KAMARA

PROGRAM

THELMA ALMARIO

TUMUTOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with