^

Bansa

‘Bagman’ ni Genuino… $5-M dinugas sa PAGCOR project

Angie dela Cruz at Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakakulimbat ng may $5 Milyon halaga ang   umanoy ‘bagman’ ni dating  Philippine Gaming Corp. (PAGCOR) Chairman Efraim Genuino na si Rodolfo Soriano, close associate ng una at dating  consultant ng naturang kumpanya .

Ito ay batay sa isang  exclusive report ng Reuters kaugnay ng ginawang pag- imbestiga ng  US gaming regulators sa milyong dolyares na naibayad ng  affiliates ng  Japanese billionaire na si  Kazuo Okada ng  Universal Entertainment Corp. kay  Soriano noong panahon na ang kumpanya ni  Okada ay naglala-lobby para manalo ang  concessions para sa  $2-billion casino sa  Manila Bay, Philippines.

Isang Universal subsidiary ang sinasabing nagbayad  ng  $5-Milyon noong  May 2010 kay  Soriano batay sa pagbusisi na ginawa ng  Reuters sa  bank records, corporate fi­lings, court documents at records mula sa  Universal’s staff.

Sinasabing ang $5-Milyon halaga ay ibinayad sa pamamagitan ng isang shell company sa Hong Kong  na  bahagi ng  $40 milyon na nai-transfer ng  Universal’s US affiliate Aruze USA.  Ang  fund transfers ay kasalukuyang binubusisi ng mga imbestigador sa  US.

Sinasabing  ang  document trail na nakakonekta kay Soriano  para sa  $5-Million payment ay hindi agad naiulat.  Lumabas din umano na si Soriano ay nagsilbing bagman ni Genuino batay sa isang investigation report.

Sa panig ng kasalukuyang PAGCOR management, sinabi ni  PAGCOR legal counsel Jay Santiago na ang bagong pagbubunyag na ito ay malaking tulong sa korporasyon upang higit na mapalakas  ang kasong plunder na naisampa nila kay Genuino at kanyang mga  associates.

Sinasabing si Genuino  at mga tauhan nito ay  nagkamal umano ng salapi ng bayan noong siya pa ang chairman ng PAGCOR. Hindi naman makausap pa si Soriano para sa kanyang komento sa usaping ito.

Iginiit naman ng Palasyo na puwedeng kanselahin ng PAGCOR ang kontrata nito sa Universal Entertainment Corporation ni Kazuo Okada sa sandaling matuklasan na nakakuha ito ng kontrata sa pamamagitan ng ‘bribery’.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, kapag napatunayan na nakuha ng Okada firm ang kontrata nito sa Entertainment City sa pamamagitan ng ‘panunuhol’ ay siniguro nila na kakanselahin ang kontrata ng Universal Entertainment Corporation.

CHAIRMAN EFRAIM GENUINO

ENTERTAINMENT CITY

GENUINO

HONG KONG

KAZUO OKADA

MILYON

SINASABING

SORIANO

UNIVERSAL ENTERTAINMENT CORPORATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with