Kahit mataas ang buwis bilang ng nagyo-yosi ‘di bumaba sa 6 bansa

MANILA, Philippines - Hindi kailanman nagkaroon ng pagbagsak ng bilang ng mga naninigarilyo sa mga bansa na may mataas na buwis sa halip ay tumaas ang insidente ng smuggling.

Ito ang sinabi ni Sen. Bongbong Marcos base sa pag-aaral sa mga bansang Malaysia, Brunei, Canada, Romania, United Kingdom at Ireland na may mataas na buwis sa sigarilyo.

Sa Romania, itinaas ang excise tax ng 1,090 porciento noong 2000 na nagbunsod upang dumami ang tingi o retail subalit hindi pa rin bu­magsak ang bilang ng mga naninigarilyo hanggang sa huling survey noong 2008 at ang kapuna-puna ay ang pagtaas ng iligal na pagpupuslit sa naturang bansa na umabot sa 690 porsiyento noong 2008.

Binanggit din ng senador ang Ireland na nagtaas ng excise tax ng 76.35 porciento noong 2000 na nagbunsod ng paglago ng retail prices na 74.79 porciento ngunit hindi nabawasan ang bilang ng mga naninigarilyo batay sa survey noong 2008.

Sa Malaysia, ang insidente ng iligal na kalakalan sa sigarilyo ay dumanas ng 150%.  Brunei, 84%; Canada, 306%; Romania, 690%, at Ireland, 240%.

 

Show comments