^

Bansa

Bagong buwis giit isantabi muna

Butch M. Quejada - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Hindi umano dapat madaliin ang pagpapasa ng mga bagong buwis, kasunod na rin ng mga kontro­­ber­siya hinggil sa mga buwis sa ginto at ‘sin pro­ducts.’

Ayon kay Leody de Guzman, national president ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), dapat patunayan ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang kanilang institutional independence hindi lamang mula sa Malacañang kundi maging sa International Mone­tary Fund (IMF) na sumusuporta sa mga bagong tax, ka­bilang ang levy sa mga cellphone text messages.

Nanawagan ang BMP na magpatupad na lamang ng ‘status quo’ sa mga buwis habang nakabinbin pa ang pag-rebyu sa omnibus amendment ng buong taxa­­tion system.

Sinabi ni de Guzman, ang kasalukuyang sistema ay nakaasa sa mga sales taxes na mula sa mga consumers sa pamamagitan ng EVAT at sa compulsory deduction ng mga withholding taxes sa wage-earners, na hindi lamang aniya anti-poor kundi regressive at unconstitutional pa.

Nanindigan ang grupo na ang tax reform ay hindi lamang legal question kundi isyu ng buhay at kamatayan para sa mga manggagawang Pinoy at kanilang pa­milya, na higit na nagdurusa sa pagbabayad ng buwis, kum­para sa mga mayayaman na may mga abogado at accountant upang maniobrahin ang kanilang salapi at makaiwas sa pagbabayad ng buwis.

AYON

BUKLURAN

GUZMAN

INTERNATIONAL MONE

KONGRESO

LEODY

MALACA

MANGGAGAWANG PILIPINO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with