MANILA, Philippines - Pinagdadahan-dahan ng mga kongresista na kabilang sa Northern Alliance ang mga reelectionist senators sa pagsuporta sa sin tax reform bill dahil dito umano titimbangin ng mga botante mula sa Norte ang mga ibobotong senador sa 2013.
Sinabi ni La Union Rep. Victor Ortega, pangulo ng nasabing Alyansa na hindi maiiwasang ilaglag ng mga tobacco farmers ang mga senador na susuporta sa bersyon ni Sen. Franklin Drilon.
Babala pa ng mambabatas, hindi dapat ma liitin ang boto ng tobacco farmers dahil ang walong lalawigan sa Norte na mayaman sa produktong tabako ay may 4.5 milyon rehistradong botante batay sa nagdaang senatorial election.
Paliwanag pa ni Ortega na sa Ilocos Region, na binubuo ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, Pangasinan at La Union, ay may 300,000 tobacco at masasabing magdadala ng isang milyong boto mula sa kani-kanilang pamilya.
Sa ngayon umano ay aantabayanan muna ng Northern Alliance kung ano ang magiging desisyon ng Senado para sa pinal na bersyon nito bago magsagawa ng pa nibagong hakbang.
Maging si Nueva Vizcaya Rep. Carlos Padilla na isa sa may 21 kongresista na tumutol sa HB 5727 ay naniniwalang ang excise tax bill ay malaking usapin sa darating na eleksyon para sa mga tobacco-producing provinces.
Giitn ni Padilla, mapanganib para sa industriya ng tabako ang bigla at napakataas na buwis sa sigarilyo dahil milyong Pilipino ang nakasandal dito.