^

Bansa

CIRPO, isusulong ni Santiago

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil hindi pa rin ma­pigilan ang mga mauutak na pulitiko sa maagang pangangampanya kahit hindi pa nagsisimula ang campaign period kaya isusulong ni Senator Mi­riam Defensor-Santiago ang ‘Certificate of Intention to Run for Public Office (CIRPO) Act of 2012.

Napuna ni Santiago na nagiging inutil ang batas partikular ang Batas Pambansa 881 o ang Omnibus Election Code of the Philippines kung saan may nakalaang parusa sa maaagang pangangampanya dahil masyadong naging malinaw ang depinisyon ng “kandidato”

“While premature  cam­paigning  is  a prohibited act  punishable  by  disqua­lification  from  public  office,  the  law’s  definition  of a candidate gives those interested in public office an opportunity to  evade the sanction of the law,” pahayag ni Santiago.

Aniya, kahit hindi pa nagsisimula ang campaign period, may mga nagnanais na mahalal sa puwesto ang nakakagamit ng social media at telebis­yon upang matanim sa isipian ng mga botante ang pangalan ng kandidato.

Sinabi ni Santiago, walang ngipin ang batas laban sa mga mauutak at mayayamang pulitiko na nakakagamit ng telebis­yon para sa “exposure” dahil hindi sila makasuhan ng premature campaig­ning.

Sa panukala ni Santiago, lahat ng mga nais kumandidato sa isang partikular na eleksiyon ay dapat maghain ng “Certificate of Intention to Run for Public Office” o  CIRPO, anim na buwan bago ang deadline ng paghahain ng Certificate of Candidacy.

Sa ganitong paraan umano ay mare-regulate ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga aktibidades ng mga tatakbong pulitiko habang hindi pa nagsisimula ang campaign period.

           

ANIYA

BATAS PAMBANSA

CERTIFICATE OF CANDIDACY

CERTIFICATE OF INTENTION

OMNIBUS ELECTION CODE OF THE PHILIPPINES

PUBLIC OFFICE

SENATOR MI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with