^

Bansa

5 rice traders pinakawalan ng Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos humingi ng sorry at mangako na da­­dalo na sa susunod na pagdinig ng Senate Committee on Agriculture and Food, pinakawalan na ka­hapon ng Senado ang limang rice traders na nasangkot sa rice smuggling sa Subic.

Ikinonsidera ng ko­mite ang paghingi ng ta­wad ng lima na kusang sumuko sa Senado kamakalawa matapos ang ilang ulit na pang-iisnab sa hearing sa rice smuggling.

Nadetine sa Senado ang limang rice traders na sina Juanito David, Ma­ximo Hernandez, Elpidio Mendoza, Emily Alabada at Crisanta Reyes. Naunang pinakawalan ka­gabi si Mendoza dahil may na­matay itong kamag-anak.

Hindi naka­sama sa pi­nakawalan si Mag­­dangal Diego Ma­ralit Bayani III na ilang linggo ng naka­kulong sa basement ng Senado ma­tapos ma-con­tempt.

Patuloy na tumatanggi si Bayani na ibigay ang pangalan ng mga investors sa kompanya nitong St. Andrews Field Grains and Cereal Trading.

Hinala ng mga senador, dummy lamang ang mga rice tra­ders at mga kooperatiba ng mga magsasaka ng mga malala­king rice tra­ders na ilegal na naka­pagpapasok ng bigas sa bansa.

 

AGRICULTURE AND FOOD

BAYANI

CRISANTA REYES

DIEGO MA

ELPIDIO MENDOZA

EMILY ALABADA

JUANITO DAVID

SENADO

SENATE COMMITTEE

SHY

ST. ANDREWS FIELD GRAINS AND CEREAL TRADING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with