^

Bansa

Iraq umapela sa DOH na magpadala ng doktor, nars

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa kabila ng nakataas pang travel ban, umapela ang isang opisyal ng Embassy of Iraq  sa Department of Health (DOH) sa Pilipinas na magpadala pa rin ng mga doktor at mga nars sa Middle East country.

Ayon kay Health Secretary Enrique Ona, mismong si Ambassador to the Republic of Iraq to the Philippines Wadi Bati ang may dalawang beses nang humiling sa DOH na kung maari ay padalhan ng 1,000 hanggang 2,000 mga doktor at nars ang kanilang bansa.

“Mataas ang demand sa Iraq pero of course tinitignan muna natin ‘ung sitwasyon doon magulo pa kasi,. Hind naman natin ni-reject yung request nila. Kaya lang meron pa tayong travel ban sa Iraq,” ani Ona.

Kailangan pa munang makipag-ugnayan sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang DOH kung ma­ari ang nasabing kahilingan.

Maliban aniya sa Iraq, ang iba pang Middle East countries, Caribbean nation ng Barbado, at iba pang European countries, India at Africa ang humihiling din na magdeploy pa ang Pilipinas ng mga doktor at nars.

AYON

BARBADO

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DEPARTMENT OF HEALTH

EMBASSY OF IRAQ

HEALTH SECRETARY ENRIQUE ONA

MIDDLE EAST

PHILIPPINES WADI BATI

PILIPINAS

REPUBLIC OF IRAQ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with