^

Bansa

Purisima papalit kay Bartolome sa PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi ikinagulat ng Philippine National Police (PNP) ang naglabasang ulat na may inirerekomenda na si DILG Secretary Mar Roxas kay Pangulong Aquino na susunod na PNP Chief.

Ito’y sa gitna na rin ng nalalapit na palugit ng Malacañang kay PNP Chief Director General Nicanor Bartolome na magretiro ng maaga sa buwang ito hanggang unang linggo ng Disyembre upang makapagtalaga na ng successor nito.

Si Bartolome ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1980 ay pinagbibitiw ng maaga sa puwesto upang mabigyang daan ang paghirang sa susunod na PNP Chief kaugnay ng pagtututok sa seguridad ng May 2013 mid term elections sa bansa.

Ang PNP Chief ay dapat sanang sa Marso 16, 2013 pa magreretiro pagsapit ng kaniyang ika-56 taong kaa­rawan na siyang compulsory age retirement.

Nabatid na si PNP Directorial Staff P/Director Alan Purisima ang inirerekomenda ni Roxas kay PNoy na ipalit kay Bartolome.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Generoso Cerbo Jr., ang bagay na ito ay inaasahan na ng PNP dahil na rin sa nalalapit na pagre-retiro  ni Bartolome.

Sinabi ni Cerbo, sa panig ng PNP Chief ay  “work  as usual” umano ito at welcome naman ang mga ganitong balita dahil nauna na rin umano itong naghayag na handa siyang sumunod sa ipag-uutos ng kanilang Commander-in-Chief.

Sanay na rin naman umano ang mga pulis sa pagkakaroon ng mga bagong lider, at hindi naman dapat  maapektuhan ang kanilang  serbisyo publiko.

Sinabi ni Bartolome na hindi pa sila nag-uusap ni Pangulong Aquino at hinihintay lamang niya na ipatawag siya ng Malacañang.

BARTOLOME

CHIEF

CHIEF DIRECTOR GENERAL NICANOR BARTOLOME

DIRECTOR ALAN PURISIMA

DIRECTORIAL STAFF P

GENEROSO CERBO JR.

MALACA

PANGULONG AQUINO

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with