10 suspek sa pagdukot kay Rolito Go kinasuhan
MANILA, Philippines - Kinumpirma ni Justice Secretary Leila de Lima na kinasuhan na ng National Bureau of Investigation sa DOJ ang 10 katao na pinaniniwalaang nasa likod nang pagdukot sa sentensiyadong criminal na si Rolito Go at nurse na pamangkin na si Clemence Yu.
Batay sa hinaing information complaint ng NBI sa kasong paglabag sa Revised Penal Code partikular ang Article 267, o Kidnapping and Serious Illegal Detention at Article 294, mas kilala bilang robbery with violence against or intimidation of persons ay sina Emilio Ortiz (sinasabing mastermind sa pagdukot); Lawrence Yurong; isang alias Bong; Fernando Fransisco (o Pando); Armando Mondero; Jerry Duenas; isang Reggie; isang Kumander Rico; isang security prison trustee ng New Bilibid Prison at ang hindi pa tinutukoy na cook ni Go.
Tanging sina Mondero at Duenas lamang ang nasa kustodiya ngayon ng NBI at umano ay naghayag ng pagtulong sa ginagawang imbestigasyon ng ahensiya.
Matatandang sina Go at pamangking si Yu ay nawala sa bakuran ng NBP noong August 14 ngunit matapos ang dalawang araw, sila ay lumantad. Una na ring iginiit ni Go na siya ay hindi tumakas kundi sila ay dinukot.
- Latest