^

Bansa

US contractor na nagtapon ng toxic waste pinasususpindi

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinasususpinde ni Bayan Muna Party list Rep. Teddy Casiño ang operasyon ng US contrac­tor na nagtapon ng nakakalasong kemikal sa Subic Bay Metropo­litan Authority (SBMA).

Pangamba ni Casiño, posibleng dati na umanong nagtatapon ng toxic waste sa karagatan ng Pilipinas at ngayon lamang ito nadiskubre.

Dahil dito kayat dapat umanong magkaroon ng komprehensibong imbes­tigasyon ang kongreso at ipatawag ang mga sangkot sa insidente gayundin ang kliyente ng Glenn De­fense Marine Asia na isang Malaysian contractor na nag-ooperate sa ilang bansa.

Base sa ulat, nito lamang Oct. 15 nagsagawa ng inspeksyon ang SBMA Ecology Center personnel sa Glenn Guardian, habang nakadaong sa Naval Supply Depot area dahil sa isang “hazard call” mula sa isa pang free port locator.

Sa kopya ng SBMA spot report, lumabas na may dala ang tanker na nasa 189,500 litro ng do­mestic waste at 760 litro ng bilge water (kombinas­yon ng tubig, langis at grasa), na kinuha mula sa Emory Land, isang US Navy ship.

Noong Oct. 16, isang team mula sa Philippine Coast Guard’s marine pollution division, sa pa­ngunguna ni PO1 Enrico Viuda, at SBMA Ecology Center personnel ang kumuha ng water sample mula sa Glenn Guardian at MT Glenn Enterprise kung ligtas itapon ang kanilang liquid waste sa dagat.

Subalit, sinabi umano ng kapitan ng Glenn Guardian na itinapon na nila ang kanilang liquid wastes may 37 kilometers (20 nautical miles) mula sa Subic Bay.

BAYAN MUNA PARTY

ECOLOGY CENTER

EMORY LAND

ENRICO VIUDA

GLENN DE

GLENN ENTERPRISE

GLENN GUARDIAN

MARINE ASIA

NAVAL SUPPLY DEPOT

NOONG OCT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with