Senators na pabor sa high sin tax, isi-zero sa 2013?
MANILA, Philippines - Nagbabala ang mga tobacco farmers na kanilang isi-zero vote ang mga reelectionist senators sa 2013 midterm elections kung papaboran nila ang napakataas na buwis sa local cigarettes.
Ayon sa grupong Phil Tobacco Growers Association (PTGA), magsasanib puwera umano ang lahat ng tobacco farmers, growers at kanilang pamilya para huwag iboto ang mga reelectionist senators kung hindi pakikinggan ang kanilang panawagan para sa ‘moderate’ at ‘reasonable’ na excise tax sa sigarilyo.
“Ilang beses na kaming nakikiusap na pakinggan naman ang aming panig at bigyang konsiderasyon ang aming kabuhayan sa plano ng ilang mambabatas na patawan ng napakataas na buwis ang sigarilyo,” ani Distor.
Sinabi pa ni Distor, na planong kausapin ang mga reelectionists senators upang ipaliwanag kung bakit isang ‘anti-farmer, anti-poor’ ang sin tax measure na isinusulong ni Sen. Franklin Drilon.
“Pagod na kami sa pagmakakaawa. Panahon na para kumilos na kami at ipakitang hindi kami dapat na balewalahin na lamang,” dagdag pa nito.
Ilan sa mga reelectionist senators sina Sens. Loren Legarda, Francis Escudero, Alan Peter Cayetano, Gregorio Honasan II, Aquilino Pimentel III at Antonio Trillanes IV.
Babala ni Distor, kung iisnabin aniya ng mga reelectionist senators ang kanilang apela, mahigit sa 4.5 milyong boto umano ang mawawala sa mga ito mula sa major tobacc-producing provinces tulad ng Pangasinan, La Union, Ilocos Sur, Ilocos Norte, Abra, Cagayan, Isabela at Mindoro.
Ang iba pang mga lalawigan na maraming tobacco farmers ay Mountain Province, Ifugao, Nueva Vizcaya, Quirino, Tarlac, Nueva Ecija, Capiz, Iloilo, Leyte, Cebu, Misamis Oriental, Bukidnon, Davao, Zamboanga del Sur, Maguindanao, Cotabato at Sarangani.
Bukod sa mga tobacco farmers, workers at mga dependents, hindi rin makakakuha ng boto mula sa mga naninigarilyo ang mga sumusuporta sa panukala ni Drilon.
“We will make sure that reelectionists who will support any proposal imposing extremely high taxes on cigarettes will regret their decision on Election Day,” babala pa ni Distor.
- Latest
- Trending