Tamban, mackerel bawal hulihin
MANILA, Philippines - Mula Nobyembre 15 hanggang Marso 15, 2013, bawal na manghuli, bumili at magbenta ng tamban at mackerel sa loob ng 4 na buwan upang mapalaki muna ang naturang mga isda na ginagawang sardinas.
Sinabi ni Atty. Asis Perez, hepe ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na kung hindi pipigilan ang paghuli ng tamban at mackerel, malamang maubos ang mga ito sa karagatan at wala nang mahuling ganitong isda pagdating ng mga panahon.
Kailangan munang maparami ng husto ang bilang ng naturang mga isda para na rin sa kapakanan ng publiko partikular ng mga mangingisda nito.
Partikular na matatagpuan ang mga tamban at mackerel gayundin ng mga isdang lapad, tunsoy, lao lao, tabagak, tulis, hilos hilos sa karagatan ng Culasi Point sa Capiz province gayundin sa Bulacaue Point sa Caries, Iloilo at sa Guimaras Strait hangang Tomonton Point sa Negros Occidental.
- Latest