^

Bansa

Desisyon ng Makati RTC sa GA, kinatigan ng CA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaboran ng Court of Appeals (CA) ang naunang desisyon ng Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 58 kaugnay sa ginawang hakbang ng Globe Asiatique Realty Holdings Corp. laban sa Home Development Mutual Fund (HDMF) at sa Board of Trustees nito.

Sa 18-pahinang desisyon ni Associate Justice Rodil V. Zalameda noong October 12, 2012 ay di­nismis ng CA First Division ang petition for certiorari na inihain ni Atty. Darlene Marie B. Berberabe, chairman at CEO ng HDMF o Pag-IBIG Fund.

Sa petisyon ni Berberabe, inabuso umano ni Judge Eugene Paras ng Makati RTC Branch 58 ang kanyang kapangyarihan nang ibinasura nito ang mosyon na idismis ang kaso laban sa Globe Asiatique at kay Delfin Lee laban sa HDMF, Emma Linda Faria, at miyembro ng Board of Trustees ng HDMF.

Ipinaliwanag ng CA na isang pag-amin ang ginawa ni Berberabe na nabigo ang HDMF na sumunod sa probisyon na nakapaloob sa Memo­randum of Agreement at Funding Commitment Agreement.

Bukod dito si Berbe­rabe umano at mga miyembro ng Board ng HDMF ay dapat managot sa danyos na hinihingi ng Globe Asiatique sa ilalim ng Section 31 ng Corporation Code, ang batas na nagsasabing dapat panagutan ng mga directors, trustees, at iba pang opisyal ng korporas­yon ang mga kapabayaan at malisyosong mga hakbang ng kompanya.

Noong Enero  30, 2012 ay nagbaba ng hatol ang Makati RTC na nagsasa­bing dapat na panagutan ng HDMF, Faria, at iba pang miyembro ng Board ng HDMF sa danyos laban sa Globe Asiatique.

Dahil sa desisyon ng CA ay magiging pinal na ang naunang desisyon ng Makati RTC.

vuukle comment

ASSOCIATE JUSTICE RODIL V

BERBERABE

BOARD OF TRUSTEES

CORPORATION CODE

COURT OF APPEALS

DARLENE MARIE B

DELFIN LEE

GLOBE ASIATIQUE

HDMF

MAKATI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with