Singil sa interes ‘di sobra - SSS
MANILA, Philippines - Hindi sumobra ng singil ang Social Security System (SSS) sa interes ng mga pautang nito sa milyong miyembro nito nationwide.
Ito ang niliwanag ni Maria Luz Generoso, assistant vice president ng SSS bilang reaksiyon sa ulat ng Commission on Audit na sobra ng P788 milyon ang kanilang singil sa interes sa mga pautang sa mga miyembro kayat dapat silang magbalik ng sobrang nakolekta sa mga miembro ng SSS.
Binigyang diin ni Generoso na aprubado ng komisyon ang ginagamit nilang computation ng mga interes dahil may kanya kanya namang sistema ng computation ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kayat wala silang nilabag na batas kaugnay sa usapin ng paniningil ng pautang sa mga miembro.
Nilinaw din nito na taong 2000 pa umano sinimulan ng SSS ang sistema ng paniningil ng interes kung saan ina-advance ang deduction sa unang taon ng interes.
- Latest