^

Bansa

Online voting sa Pinoys abroad aprub sa Senado

Butch M. Quejada - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Sen. Aqui­lino “Koko” Pimentel IIII na agarang ipapasa ng Senado ang mahahalagang amyenda sa Overseas Absentee Voting (OAV) Act, kabilang ang matagal nang pinapangarap ng mahigit 13 milyong Pilipino sa labas ng bansa na sila ay makapagparehistro at makaboto “online” o sa pamamamagitan ng Internet.

Ginawa ni Pimentel ang pahayag isang araw matapos isponsoran sa plenaryo ang Senate Bill No. 3312 na ipinasa ng pinamumunuan niyang Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation, sa ilalim ng Committee Report No. 446.

Pasado na rin sa House of Representatives sa ikatlo at huling pagbasa ang HB 6542, ang counterpart measure ng SB 3312.

Sa ilalim ng Amended OAV Act, hindi na kailangan pang magtungo ng mga Pilipino na nasa abroad sa iba’t ibang konsulado at embahada ng bansa para magparehisto at bumoto, bagkus ay kailangan na lang nila magbukas ng computer at kumunekta sa itata­yong online registration at voting system ng Commission on Election (Co­melec).

“Hindi na kakaila­nga­nin pa ng ating mga kababayan na lumiban sa kanilang mga trabaho at magbiyahe ng malayo para makaboto, na siyang nagiging malaking hadlang kung bakit mababa ang turnout ng mga botante sa nakaraang mga halalan sa ilalim ng OAV,” ani Pimentel.

Isa pang napakahala­gang susog sa OAV Act ang pagtanggal sa Section 5d ng naturang batas na nag-aatas sa mga Pinoy immigrant at permanent residents ng ibang bansa na magsumite ng affidavit na nagsasabing sila’y babalik sa Pilipinas sa loob ng tatlong taon.

Inilarawan ni Pimentel ang naturang probisyon bilang “espada ni Damocles” na pumipigil sa may dalawang milyong Pinoys sa US at Canada na magpartisipa sa paghalal ng mga national officials ng Pilipinas mula sa pagkasenador hanggang sa Presidente.

“Ang Pilipinas ang isa sa may pinakamalaking populasyon ng overseas workers sa buong mundo. Ngunit nakalulungkot na isa tayo sa may pinaka­mababang bilang ng re­gistered OAVs sa mga bansang nagpapatupad rin ng overseas vo­ting,” wika ni Pimentel.

Noong 2010 ay wala pang 600,000 ang nagparehistro sa OAV at 26 por­syento lang ang aktuwal na bumoto.

ANG PILIPINAS

COMMITTEE REPORT NO

ELECTORAL REFORMS AND PEOPLE

HOUSE OF REPRESENTATIVES

OVERSEAS ABSENTEE VOTING

PILIPINAS

PILIPINO

SENATE BILL NO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with