^

Bansa

Paglaban sa graft & corruption ituturo sa iskul

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinusulong sa Kamara ang pagtuturo sa mga eskwelahan sa paglaban sa graft and corruption.

Sa inihaing House Bill 6609 o Anti-graft and Corrupt Practices Information and Education Act of 2012 ng CIBAC Partylist Reps. Sherwin Tugna at Cinchona Cruz-Gonzales, hiniling nito na idagdag na sa mga pag-aaralan ng mga estudyante ang mga paraan sa paglaban sa korapsyon na talamak na sa pamahalaan.

Layon nitong maturuan ang mga tao ng mga proseso at pamamaraan ng gobyerno at sa mga transaksyon na nagaganap sa pribadong sektor para maiwasan ang graft and corruption.

Naniniwala si Tugna na ang edukasyon ang pinaka epektibong sandata para malabanan ang korapsyon at pandaraya sa bansa.

Sinabi pa nitong ma­­i­babalik lamang ang ti­wala ng publiko kung mis­mong sila ay sangkot sa paglaban sa katiwalian.

Sa ilalim ng panukalang batas, obligado ang lahat ng pampublikong pa­­ aralan mula elementarya at sekondarya na isama sa kanilang curri­culum ang pagtuturo ng paglaban sa graft and corruption sa ka­nilang komunidad.

CINCHONA CRUZ-GONZALES

CORRUPT PRACTICES INFORMATION AND EDUCATION ACT

HOUSE BILL

ISINUSULONG

KAMARA

LAYON

PARTYLIST REPS

SHERWIN TUGNA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with