Pulitiko, gov’t officials bawal mag-endorso ng produkto
MANILA, Philippines - Aalisin na sa puwesto ang sinumang opisyal ng gobyerno o mga pulitiko na nag-eendorso ng anumang produkto.
Ito ay sa sandaling maipasa at tuluyang maisabatas ang House bill 2751 na inihain nina Reps. Rufus Rodriguez (Cagayan de Oro) at Maximo Rodriguez (Abante Mindanao) na nagbabawal sa pagiging endorser o modelo ng advertisements.
Ayon sa mga mambabatas, isang uri ng panlalamang ang pagiging product endorser ng mga pulitiko at imateryal din umano kung anuman ang kanilang rason kung bakit ginawa ang kani-kanilang advertisements.
Sa ilalim ng panukala, ang mga opisyal maging sila man ay halal o appointed na sangkot sa product advertising ay patatalsikin at hindi na papahintulutan pa na makaupo sa alinmang puwesto sa gobyerno.
Bukod dito, pagmumultahin din ang mga ito ng halos katumbas ng halaga ng product advertisement nito.
Sa kasalukuyan ilan lamang sa mga politician na may ini-endorsong produkto tulad ng isang brand ng hotdog, isang computer school, razor, relo at herbal food supplement ay si Senador Francis Escudero.
Maging sina Senators Bong Revilla, Pia Ca yetano at Loren Legarda ay may iniendorso ring mga produkto.
Sa hanay ng mga kongresista, maraming endorsements si Aurora Rep. Sonny Angara.
- Latest