Squatters sa sementeryo, lumobo
MANILA, Philippines - Aabot na sa 85-katao ang imformal settlers na nakatira sa loob ng Novaliches Public Cemetery
Ayon kay Isabelita Botanig, OIC ng naturang sementeryo hirap na umano nilang makontrol ang paglobo ng iskwater dahil ang mga naunang nagtayo ng barung-barong ay mula pa noong dekada 60.
Dahil sa walang inilagay na palikuran ang pamunuan ng sementeryo, naging problema ng mga nagsisidalaw sa puntod ng kani-kanilang mga yumaong pamilya ang paniningil ng mga informal settlers sa pag-ihi at pagdumi kung makikigamit ka sa kanilang palikuran.
Sinabi naman ni Ramon Matabang, hepe ng QC Civil Regisrtar, kasama na sa kanilang relocation program ang mga iskwater sa nasabing sementeryo at hindi na umano nila hahayaang madagdagan pa ang bilang ng mga ito.
- Latest