^

Bansa

Mag-ingat sa Noche Buena products -FDA

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Habang papalapit ang  panahon ng kapaskuhan, pinag-iingat na ngayon ng Food and Drug Administration (FDA)  ang publiko sa pamimili ng mga Noche Buena products.

Ayon kay FDA director Nazarita Tacandong, partikular na ingatan ng mga mamimili ang mga produktong walang label at kung may label man huwag kalimutan na suriin ang expiration date.

Ingatan din ang mga canned goods na may yupi dahil maaring pinasok na aniya ito ng bakteria na maaring makasama sa kalusugan.

Patuloy din ang babala ng FDA sa publiko na huwag bilhin ang anim na Korean noodles na una ng pinababawi dahil sa taglay nitong chemicals na maaring magdulot ng kanser sa sinomang kumain nito.

Kabilang sa mga ipina-recall na noodles ang Nongshim neoguri (hot), Nongshim neoguri hot multi, Nongshim neoguri (mild), Nongshim big bowl noodle shrimp, Nongshim saengsaeng udon bowl noodle at Nongshim saengsaeng udon.

 

AYON

DRUG ADMINISTRATION

HABANG

INGATAN

KABILANG

NAZARITA TACANDONG

NOCHE BUENA

NONGSHIM

PATULOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with