^

Bansa

61-anyos Pinay sa Vietnam sasagipin sa bitay!

Rudy Andal at Ellen Fernado - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Siniguro ng Malacañang na nakahanda ang pamahalaan na tulungan ang 61-anyos na Pinay na hinatulan ng bitay sa Vietnam dahil sa drug smuggling.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, iaapela ng gobyerno ang naging hatol ng Hanoi court kay Amodia Teresita Palacio. May 15 araw ang itinakda ng korte upang iapela ang kaso.

Inatasan na ng Department of Foreign Affairs  ang Embahada ng Pilipinas sa Vietnam na bigyan ng legal assistance si Palacio at bisitahin sa kanyang selda habang inaapela ang kaso nito.

Magugunita na dinakip si Palacio ng Vietnamese airport authorities matapos makuha sa dala nitong dalawang suitcase ang 5.4 kilo ng methamphetamine drugs habang papasok sa Noi Bai International Aiport sa Hanoi noong Abril 27 mula Bangkok, Thailand.

Ipinasa at ipinadala umano sa kanya ang bagahe ng isang African national at isang OFW na nagngangalang Joselyn na hinihinala ring drug mule na nakilala nito sa Bangkok kapalit ng halagang US$3,000.

Muling nanawagan ang DFA sa mga OFWs na mag-ingat sa mga drug syndicate at huwag magpapadala sa magagandang alok kapalit naman ng habambuhay na pagkakakulong o bitay.

ABRIL

AMODIA TERESITA PALACIO

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

EMBAHADA

INATASAN

IPINASA

JOSELYN

NOI BAI INTERNATIONAL AIPORT

PALACIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with