Partylist ni Mikey, ALAM dinisqualify
MANILA, Philippines - Tuluyang nang diniskuwalipika ng Commission on Elections (Comelec) ang Ang Galing Pinoy (AGP) ni Rep. Mikey Arroyo at ang Alab ng mga Mamamahayag (ALAM).
Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, hindi kumakatawan sa marginalized sector ang AGP at ALAM.
Sinabi ni Brillantes na ang grupo ni Arroyo ay matagal na sanang natanggal ngunit ngayon lamang naisapinal ang resolusyon ng Commission en banc. Aniya, kahit minsan ay hindi humarap sa Comelec ang dating presidential son bilang kinatawan nito.
Hindi naman umano pumasa sa panuntunan ng komisyon ang Alam partylist kaya hindi na nila maaaring pagbigyan ang anumang apela nito.
Bukod pa rito, wala rin umanong track record ang ALAM na isa sa mga requirement na pagbabasehan para ma-accredit ng komisyon.
Matatandaang naging kontrobersyal ang ALAM matapos nitong akusahan ang dalawang Comelec commissioners na diumano’y nanghingi ng P5 milyon kapalit ng akreditasyon ng kanilang grupo bilang isang partylist group.
Nilinaw pa ni Brillantes, na pinal na ang kanilang desisyon at sinabing sa Korte Suprema na lang umapela.
Samantala, tatapusin na lamang ng AGP ang kanilang termino hanggang Hunyo 2013.
Ang AGP ay incumbent partylist, habang ang Alam ay bagong aplikante lamang sa nalalapit na halalan.
- Latest