HIV at AIDS law aamyendahan
MANILA, Philippines - Dahil sa patuloy na pagdami ng mga Filipino na nagkakaroon ng sakit na Human Immunodeficiency Virus (HIV) at Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS), kaya pinaplano ni Senator Miriam Defensor-Santiago na amiyendahan na ang Republic Act 8504 o ang “HIV and AIDS Prevention and Control Act.
Ayon kay Santiago, masyado ng “outdated” o luma ang nasabing batas at lumalabas na hindi na ito epektibo sa pagsugpo ng HIV at AIDS sa bansa.
Noon pang 1998 ipinasa ang RA 8504 o 14 na taon na ang nakakaraan pero sa halip na masawata umano ang HIV at AIDS ay lalo pa itong nadagdagan kaya ipinanukala ng United Nations (UN) na gawin ng legal ang prostitusyon sa bansa.
Nauna ng nagbabala ang mga epidemiologists ng gobyerno na pagdating ng 2015, ay aabot ang kaso ng HIV sa Pilipinas sa 45,000 mula sa 7,000 naiulat noong 2011.
Sa panukala ni Santiago, nais nitong magkaroon ng isang National HIV at AIDS Plan na magiging daan para sa isang road map para labanan ang pagkalat ng nasabing sakit.
- Latest