^

Bansa

Kahilingan na mag-abroad ni Abalos, ibinasura

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ibinasura ng Sandiganbayan ang kahilingan ni dating Commission on Elections (COMELEC) Chairman Benjamin Abalos na payagan siyang makapunta sa Taiwan para sa isang business deal.

Sa ipinalabas na desis­yon ng graft court, binigyang diin nito na ibasura ang hiling ni Abalos dahil hindi nito naidetalye ang itinerary sa nabanggit na biyahe.

Noong nakaraang linggo, hiniling ni Abalos sa kanyang mosyon sa Sandiganbayan na  mapayagan itong magtungo ng Taiwan para kumuha ng mga fingerlings o similya ng mga isda para sa kanyang aqua-culture business.

Nakatakda sana ang biyahe sa buwan ng Nob­yembre kung pahihintulutan ng hukuman. Si Abalos ay pansamantalang nakakalaya matapos payagan ng korte na makapag-pi­yansa sa kasong electoral sabotage.

 

ABALOS

BIYAHE

CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS

IBINASURA

NAKATAKDA

NOONG

PARA

SANDIGANBAYAN

SHY

SI ABALOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with