^

Bansa

Corona sinopla ng Palasyo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinayuhan ng Mala­cañang si dating Chief Justice Renato Corona na harapin na lamang nito ang kanyang P120 mil­yong tax evasion cases kaysa makialam sa distribusyon ng lupain sa mga magsasaka sa Hacienda Luisita.

Tugon ito ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte sa na­ging pahayag ni Corona na kumukuwestyon sa mabagal na distribusyon ng lupa sa mga magsasaka gayung 6 na buwan na ang nakalipas mata­pos magdesisyon ang SC.

Ayon kay Valte, gina­gawa na ng gobyerno ang trabaho nito partikular ang DAR sa pamamahagi ng lupain sa mga magsasaka kaya mas mabuting harapin na lamang ng pinatalsik na chief justice ang kanyang kasong tax evasion.

Sa pinal na desisyon ng SC no­ong April 2012 dapat maipamahagi sa halos 6-libong farmer be­neficiaries ang nasa 5 libong ektaryang lupain ng hacienda.

Ang Hacienda Luisita ay pag-aari ng pamilya Cojuangco na kaanak ni Pangulong Aquino.

ABIGAIL VALTE

ANG HACIENDA LUISITA

AYON

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

COJUANGCO

DEPUTY PRESIDENTIAL

HACIENDA LUISITA

PANGULONG AQUINO

PINAYUHAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with