20 OFWs sa Dubai iuuwi ni Jinggoy
MANILA, Philippines - Ipinagmalaki kahapon ng tanggapan ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na 20 overseas Filipino workers (OFWs) ang tinulungan ng senador sa kanilang pag-uwi sa Pilipinas mula sa Dubai, United Arab Emirates.
Sinagot umano ng senador ang pamasahe sa eroplano ng 20 household workers na tumakas sa kanilang mga employers matapos makaranas ng iba’t ibang klaseng pagpapahirap.
Ang 20 OFWs ay sina Mary Chell Afable, Lariza Arceo, Janet Bentero, Jonnalyn Belmosao, Rowena Carao, Anabel Cortez, Maida Esmael, Sittie Mariam Gudal, Cherry Lyn Larosa, Mary Joy Mangad, Nerissa Molleda, Jelleny Morabe, Maria Malaya Padilla, Diana Lou Publico, Maria Leni Regino, Noraida Sambutuan, Bariya Lipai Sawaldi, Michelle Torio, Angelina Uyammi,at Clarence Viscarra.
Inasahang darating ang mga ito sa Maynila sa Lunes, October 29, alas-4 ng hapon sakay ng Emirates airlines kasama si Estrada.
Nalaman ng senador ang kaso ng mga migrant workers na naghihintay ng repatriation mula kay Ambassador Grace Princesa ng mag-stop over ito sa Philippine Consulate-General sa UAE, bago pumunta sa Vatican City ng dumalo siya sa canonization rites ng ikalawang Filipino saint na si San Pedro Calungsod.
Ayon naman kay Labor Attache Delmer Cruz, umaabot sa 1,000 Filipino migrant workers ang lumalayas sa kaniyang visa sponsors na kaniyang employers taun-taon.
Halos araw-araw din umano ay may bagong kaso ng maltreatment lalo na sa hanay ng mga household service workers.
- Latest