^

Bansa

Imahe ni St. Calungsod darating ngayon

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakatakdang duma­ting ngayon ang imahe ni Saint Pedro Calungsod lulan ng eroplanong Cathay Pacific flight CX 919 na lalapag sa runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ng alas-4:30 ng hapon galing Vatican via Hong Kong.

Ang three-foot wooden image ni Blessed Ped­ro Calungsod ay isa sa mga pasahero ng eroplano dahil inokupa nito ang isang upuan sa nabanggit na flight.

Sina Fr. Charles Jay­me at Cebu Archbishop Jose Palma na official custodian ng imahe ni Saint Calungsod ang magkakatabi sa eroplano.

Pagbaba nila sa eroplano ay ipaparada ang bagong Santo sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at dadalhin din sa mga probinsiya bago ito ilipad pauwi sa Cebu.

Nagbunyi ang mga Filipino sa buong mundo ng ideklara ni Pope Benedict XVI ang pagi­ging Santo ni San Pedro Calungsod.

Si St. Calungsod, tubong Cebu at ipina­nganak noong 1654 ay isang misyonaryo pero nagkaroon ng “religious persecution” at pinatay noong April 2, 1672.

BLESSED PED

CATHAY PACIFIC

CEBU

CEBU ARCHBISHOP JOSE PALMA

CHARLES JAY

HONG KONG

METRO MANILA

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

POPE BENEDICT

SAINT CALUNGSOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with