^

Bansa

Sa legalisasyon ng prostitution Imoralidad lalala - CBCP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Posibleng maging daan ng paglaganap ng  imoralidad sa bansa ang lega­lisasyon ng  prostitution.

Naniniwala si Catholic Bishops Conference of the Philippines-National Secretariat for Social Action Justice and Peace (CBCP-NASSA) chairman Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na mawawala ang pagiging banal at sagrado ng human sexuality kapag legal na ang prostitusyon bukod pa sa sisirain nito ang mga pamilyang Filipino.

Paliwanag ni Pabillo, ang usapin ng prostitusyon ay hindi lamang isyu sa paglaganap ng sakit na HIV-AIDS kundi ang mababang pagtingin sa pakikipag­relasyon o “promiscuity”.

“Hindi tama ang ka­nilang premise na kapag ma-legalize ang prostitusyon ay maiiwasan ang sakit na HIV-AIDS. Kahit sa ibang bansa na legal ito ay laganap pa rin ang HIV-AIDS at mas malala pa yung promiscuity,” ani Bishop Pabillo.

Binigyan diin ng Obis­po na ang pagle-le­galize ng prostitution ay hindi makakatulong kundi mas lalo pang magdadag­dag ng sakit at kahirapan sa maraming Filipino.

Dagdag pa nito, ang  tunay na karapatan ng mga kababaihan ay bigyan sila ng marangal na trabaho.

BINIGYAN

BISHOP PABILLO

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES-NATIONAL SECRETARIAT

DAGDAG

KAHIT

MANILA AUXILIARY BISHOP BRODERICK PABILLO

NANINIWALA

PABILLO

SOCIAL ACTION JUSTICE AND PEACE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with