DOH maglalabas ng guidelines vs stem cell therapy clinic
MANILA, Philippines - Maglalabas na ng guidelines ang Department of Health (DoH) kaugnay ng mga naglipanang mga stem cell therapy clinic sa buong bansa.
Kasabay nito, nanawagan si Health Secretary Enrique Ona sa publiko na ipagpaliban muna ang mga schedule nilang pagpapasailalim ng stem cell therapy.
Aniya, may mga kumakalat na impormasyon na sa hayop kinukuha ang ilang ginagamit sa naturang proseso.
Ayon kay Ona, posibleng sa loob ng dalawang linggo ay makapagpalabas ng paunang rekomendasyon ang binuong panel of experts, matapos ang dayalogo sa mga nagpapatakbo ng mga stem cell clinic sa bansa.
Binalaan din ng kalihim ang publiko na lubhang mapanganib sa kalusugan ng tao ang anumang proseso kung ito ay walang pahintulot ng mga eksperto sa larangan ng medesina.
- Latest