LTFRB, bukas na para sa special permit
MANILA, Philippines - Binuksan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kanilang opisina para tumanggap ng aplikasyon mula sa Metro Manila buses para magbigay ng special permit na nais pumasada sa mga lalawigan sa All Saints day at All Souls day sa susunod na lingo.
Ayon sa LTFRB, ang special permit ay may halagang P550.00 kada unit at magmula sa November 1, Huwebes para ihatid ang mga pasahero sa kanilang destinasyon sa mga probinsiya at magtatapos hanggang November 4, araw ng Lingo para naman sa pagbabalik sa Metro Manila ng mga pasaherong mula probinsiya.
Una nang nagsanib ang mga elemento ng LTFRB at Land Transportation Office (LTO) para suriin ang road worthiness ng mga sasakyan particular ang mga bus sa mga terminal nito sa Metro Manila na maghahatid sundo sa mga pasahero na uuwi sa kani-kanilang probinsiya sa panahon ng undas.
Mula pa noong Biyernes, nag-inspeksyon na ang LTO sa mga unit ng bus sa Araneta Central Bus Terminal sa Cubao Quezon City at mga terminals sa kahabaan ng Edsa gayundin ang Florida at Raymond Bus terminals sa Maynila.
- Latest