Veritas survey: kelot talo sa toma ng bebot!
MANILA, Philippines - Kung noong unang panahon ay talo ng mga kelot ang mga bebot pagdating sa inuman, ngayon ay lugmok at lasing na ang mga lalaki pero ang mga babae ay nagsisimula pa lang na ganahan sa ‘pagtoma’.
Ito ang lumalabas sa isinagawang survey ng Veritas Truth Survey (VTS) kung saan ay mas mataas ang bilang ng mga babaeng mahilig uminom ng beer kumpara sa mga lalaki.
Sa naturang survey, nabatid na 52 porsiyento ay mga manginginom na babae kumpara sa mga lalaki na 48% lang.
Napag-alaman din na majority ng ‘alcoholic beverage drinkers’ ay nagkakaedad nang mula 19 hanggang 25 na sumasaklaw sa 25.55 porsiyento kasunod nito ang mga nagkakaedad ng 29 hanggang 35 sa bilang na 14.38%. Pinakabata naman sa manginginom ay 13-anyos.
Mas marami naman, o 41% ng mga sumusuweldo ng mula P5,000 hanggang P14,999 ang mas madalas uminom at kumpara sa mga sumasahod nang mula P15,000 hanggang P24,999 na 26% lamang.
Kapuna-puna rin na 57% ng mga may asawa ang mahilig uminom kumpara sa mga single na 43%.
Sa kabuuan, naitala ng VTS na 66% na porsiyento ng mga Pinoy ay beer drinkers.
- Latest