MMDA chairman Tolentino kinasuhan
MANILA, Philippines - Kinasuhan ng isang kumpanya si MMDA chairman Francis Tolentino dahil sa pag-abuso nito nang ideklarang failure of bidding sa P300 milyong traffic signal kahit na hindi awtorisadong gawin ito.
Bukod kay Tolentino, kasama sa kinasuhan sina Edenison Fainsan, Chair of the Bids and awards Committee (BAC) ng MMDA; Lydia Domingo; Amante Salvador; Rochelle Macapili-Ona; Noemi Recio, pawang miyembro ng BAC at Emerson Carlos, Chairman ng “Special” BAC para sa re-bidding ng proyekto. Sa reklamong isinampa ni Engr. Efren Abratique, presidente at CEO ng Abratique and Associates and First United Constructors Corp., sa Makati Regional Trial Court noong Oktubre 9, hiniling ng kumpanya sa korte na magsagawa ng review at agad mag-isyu ng Temporary Restraining
Order (TRO) at writ of injunction laban kay Tolentino at sa anim na iba pa.
Kinuwestyon ng kumpanya ang proseso ng bidding partikular ang pagpayag ng MMDA-BAC sa pagsali ng banyagang contractor na walang lisensya mula sa Philippine Contractors Accreditation Board kasabay ang pagtuligsa sa kautusan ni Tolentino na ideklarang failure of bidding.
- Latest