^

Bansa

Pedro Calungsod idedeklara ngayong Santo

- Nina Malou Escudero at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang national pride para sa lahat ng Filipino ang gagawing pagdedeklara kay Blessed Ped­ro Calungsod bilang pangalawang santong Pinoy sa isang seremonya ngayon sa Vatican.

“On October 21, 2012, the Catholic world comes together as Pope Benedict XVI proclaims Blessed Pedro Calungsod as Saint of the Catholic Church. This is a day of great spiritual joy and national pride not only for Filipino Catholics, but for all those who call the Philippines their home, especially our countrymen in the Visayas and Min­danao,” pahayag ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte. 

Ayon kay Valte, ma­ki­kiisa rin sa historic at spiritual event na magaganap ngayon sa St. Peter’s Square sa Vatican ang ilang opisyal ng gobyerno.

Kabilang sa delegasyon sina Vice President Jejomar Binay na kakatawan kay Pangulong Aquino at Energy Sec. Jose Rene Almendras.

Si Binay, tumatayo ring Presidential Adviser on Overseas Filipino Workers’ Concerns, ay unang nagpahayag na umaasa siya na magiging patron saint si Calungsod ng mga OFWs na magsisilbing inspirasyon ng milyun-milyong Pinoy sa ibang bansa.

Nasa St. Peter’s Square na rin ang mga senior prelates ng Philippine Catholic hierarchy at mga pilgrim mula sa Pilipinas.

Matatandaan na noong panahon ni Pope John Paul II naisulong ang beatification ni Calungsod at sa loob ng nasa 12 taon ay nakumpleto ang canonical requirements para sa kaniyang cano­nization.

Si Calungsod ang ikalawang Santo ng Pilipinas matapos na unang madeklarang Santo si Lorenzo Ruiz na na-canonized ni Pope John Paul II noong 1987.

Samantala, kasado na ang seguridad na ipatutupad ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng pagdating ng imahe ni Beato Pedro Calungsod sa Oktubre 25. 

Ang PNP ang ma­ngu­nguna sa pagsusuperbisa sa seguridad at kaligtasan ng mga deboto sa isasagawang procession sa Luzon, Visayas at Mindanao pagdating sa bansa ng imahe.

Inihayag ni PNP Chief Director General Nicanor Bartolome na may sapat na bilang ng mga pulis na idedeploy sa mga lugar na iikutan ng nasabing nationwide pilgrimage.

Itinakda naman ang national thanksgi­ving mass sa Cebu City sa Nobyembre 30.

 

ABIGAIL VALTE

BEATO PEDRO CALUNGSOD

BLESSED PED

BLESSED PEDRO CALUNGSOD

CALUNGSOD

CEBU CITY

CHIEF DIRECTOR GENERAL NICANOR BARTOLOME

ENERGY SEC

POPE JOHN PAUL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with