MANILA, Philippines - Iginiit ng Palasyo na patuloy ang kanilang gagawing pagkumbinsi sa mga mambabatas lalo sa oras ng bicameral conference ng isinusulong na Sin Tax bill.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, mahalagang maipasa ang berisyon ng Palasyo dahil malaking bahagi ng malilikom sa sin tax ay mapupunta sa health programs ng gobyerno.
Ipapaliwanag nila sa mga mambabatas ang kahalagahan na maipasa ang orihinal na sin tax measures upang mapondohan ang mga universal health programs ng pamahalaan para sa ikabubuti ng mas maraming mamamayan partikular ng mahihirap.