Pagre-export ng dolphins pinatitigil
MANILA, Philippines - Iginiit ng environment at animal welfare groups sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Department of Agriculture (DA) na itigil ang pagre-export sa 25 Solomon Island dolphins sa Singapore na ngayon ay nasa pangangalaga ng Ocean Adventure Park sa Subic.
Sa halip, hiniling ng naturang grupo sa pamahalaan na ibalik na lamang ang naturang mga dolphin sa pinagmulan nito sa Solomon Islands.
Mula 2008, kabuuang 25 wild-caught dolphins ang na-import ng Resorts World Singapore (RWS) ng Pilipinas mula sa Solomon Islands kahit na may scientific reports mula sa International Union for the Conservation of Nature (IUCN) na nagpapakita na ang mga nakuhang wild dolphins mula sa Solomon Islands ay hindi makakatulong at hindi dadami sa bansa.
Mula January 2012, ang Solomon Island government ay nagbawal na hulihin ang kanilang mga dolphin dahil hindi ito makabubuti para sa kanila.
Ayon sa Solomon government, isang dolphin lamang ang maaaring makuha sa kada 5 taon para masustinihan ang kanilang pagdami.
Nagpalabas na ng kautusan ang QC court na huwag nange-export ang mga dolphin papuntang Singapore.
- Latest
- Trending