^

Bansa

Simoy ng Pasko ramdam na

- Angie dela Cruz - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Sa mga darating na araw, inaasahan na ang paglamig ng panahon dahil sa pagpasok sa bansa ng hanging amihan o malamig na panahon na kalimitang nararamdaman tuwing malapit na ang kapaskuhan.

Ayon kay Elvie Enriquez, weather forecaster ng Pagasa, lalakas ang ihip ng hanging amihan kapag nakalabas na ang bagyong Nina sa darating na Lunes o Martes sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).

Huling namataan ang sentro ng bagyong Nina sa layong 630 kilometro silangan ng Basco, Batanes taglay ang lakas ng hangin na 160 kilometro kada oras at may pagbugso ng hangin hanggang 195 kilometro bawat oras.

Umuusad lamang ang nasabing sama ng panahon sa napakabagal na apat na kilometro kada oras patungo sa pahilagang direksyon.

Bukas ay nasa layong 720 kilometro hilagang silangan ng Itbayat, Batanes ang bagyo at sa Lunes ng umaga ay nasa 810 kilometro hilagang silangan ng Itbayat, Batanes. 

vuukle comment

AYON

BASCO

BATANES

BUKAS

ELVIE ENRIQUEZ

HULING

ITBAYAT

KILOMETRO

NINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with