Paring kakandidatong gobernador, sinuspinde
MANILA, Philippines - Makaraang maghain ng kanyang kandidatura para sa 2013 midterm elections, sinuspinde at hindi na rin papayagang magsagawa ng religious services ang isang pari sa Masbate.
Ayon kay Masbate Bishop Jose Bantolo na mula Oktubre 1, 2012 ay epektibo na ang suspensiyon kay Fr. Leo Casas sa pamamagitan ng isang decree na nagsasaad na si Casas ay pinagbabawalan nang magbigay ng sakramento sa kanyang parokya at saan mang lugar sa bansa.
Ang nasabing kautusan ayon kay Bishop Bantolo ay binasa sa lahat ng ginawang banal na misa nitong Linggo sa may 28 parokya ng diocese ng Masbate.
“The Church continues to maintain that the governance of political life is the role of the laity. All priests are suspended from their ministerial duties when they run for public office and or play an active, open and partisan role during elections,” sabi ni Bishop Bantolo.
Una ng sinabi ni Casas na handa siya sa anumang mangyayari sakaling ipagpatuloy niya ang planong pagkandidato bilang gobernador ng Masbate.
- Latest
- Trending