Ako Bicol partylist dumulog sa Korte Suprema

MANILA, Philippines - Magpapasaklolo sa Korte Suprema ang mga kinatawan ng Ako Bicol party list matapos na tanggalin ng Commission on Elections ( Comelec) ang kanilang accreditations.

Ayon sa mga kinatawan ng Ako Bicol na sina Reps. Rodel Batocabe at Alfred Garbin hindi patas na i-singled out sila ng Comelec at gawing gine pig test case ng party list system.

Nagtataka din ang mga mambabatas kung bakit nagkakaroon ng ‘flip-flopping decision’ gayung noong 2010 ang mga commssioner din ng 2nd division ng Comelec ang nagbigay sa kanila ng accreditation at ngayon ay sila rin ang nag-isyu ng resolution na hindi sectoral at marginalize ang kanilang partylist kaya’t hindi sila binigyan ng accreditation.

Dahil dito kaya’t magpapasaklolo sila sa Korte Suprema at maghahain ng petition para mag-isyu ng Temporary Restraining Order (TRO) upang maisama pa ang kanilang partido sa balota sa dara­ting na 2013 Elections.

Show comments