October 26 idineklarang holiday

MANILA, Philippines - Idineklara ni Pangulong Benigno Aquino III na regular holiday sa buong bansa ang darating na October 26 bilang pakikiisa ng sambayanan sa pagdiriwang ng Eid’l Adha ng mga Muslim.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacier­da, nilagdaan ng Pangulo ang Proclamation 488 na nagdedeklarang regular holiday sa buong bansa sa Oct. 26 bilang pagdiriwang ng Eid’l Ad o feast of sacrifice.

Ang Eid’l Adha ay isa sa pinakamahalagang pagdiriwang ng mga Islam sa buong mundo kaya inirekomenda ng National Commission on Muslim Filipinos kay Pangulong Aquino na ideklarang regular holiday ito bilang pakikiisa ng sambayanan sa Muslim community ang pagdiriwang ng Eid’l Adha.

Show comments