MANILA, Philippines - Kinuwestyon ng grupo ng Non Governmental Organization (NGO) at mga konsyumer ang sistema ng pagbabalik o pagre-refund ng bill deposit ng Manila Electric Company (MERALCO).
Sinabi ni National Association of Electricity Consumers for Reform (NASECORE) President Pete Ilagan, dapat na makatanggap ng refund ang mga nagbayad ng bill deposit nang mag-aplay para sa koneksyon ng kuryente at patuloy na nagbabayad ng singil sa kuryente.
Sinabi pa nito na may 10 taon nang nagbabayad nang maayos ang isang electric consumer, maaaring maging triple ang bill deposit dahil sa laki na ng naging interes sa naibayad nito sa MERALCO.
Dahil anya sa kusang ipinapaalam o ibinibigay ng MERALCO sa consumers ang kita sa kanilang bill deposit, marami ang hindi nakababatid na may pera pa sila sa kumpanya.
“Magaling lang sila kung magtataas ng presyo ng kuryente pero ‘yung pakinabang ng consumers ay hindi natin nakikitang pinagsisilbihan nila nang tama,” ani Ilagan.