^

Bansa

Aplikante sa BI, dumagsa

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Dumagsa ang mga aplikante bilang immigration officers ng  Bureau of Immigration  na itatalaga sa mga bakanteng puwesto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at iba pang ports of entry.

Kaugnay nito, sinabi ni Immigration Commissioner Ricardo David Jr., 3,000 katao  ang nakatakdang kumuha ng qualifying examinations  para sa bakanteng 200 puwesto na gaganapin sa October 24 sa Department of Justice sa Maynila at walo pang venue  gaya ng Baguio , La Union, Tarlac, Batangas, Naga, Iloilo, Cebu at  Cagayan de Oro.

Una nang hiniling ni Commissioner David sa Department of Budget and Management  na mag-empleyo ng  200 bagong  immigration officer I upang matugunan ang kakulangan ng mga tauhan sa NAIA at iba pang paliparan sa bansa.

Pinunto pa ng komisyuner na ang mga makapapasang immigration officer ang magsisilbing bagong  gatekeepers and front liners ng pamahalaan laban sa human trafficking.

Ayon kay BI spokesman Atty  Ma. Antonette Mangrobang, ang aplikante ay kailangang 36- anyos, civil service professional eligible at  nakatapos ng apat na taong kurso sa kolehiyo.

ANTONETTE MANGROBANG

AYON

BUDGET AND MANAGEMENT

BUREAU OF IMMIGRATION

COMMISSIONER DAVID

DEPARTMENT OF JUSTICE

IMMIGRATION COMMISSIONER RICARDO DAVID JR.

LA UNION

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with