MANILA, Philippines - Nagbabala si Cagayan Rep. Juan “Jack” C. Ponce Enrile, Jr. (1st District) na posibleng mauwi sa pang-aabuso ng mga kinauukulan ang kontrobersyal na RA 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012 at magresulta sa supresyon sa karapatan sa malayang paghahayag kung hindi maaamyendahan ang naturang batas.
“Libel is libel. It doesn’t matter which media I used; we already have laws pertaining to it,” dagdag pa ng batang Enrile na isa sa pambato ng United Nationalist Alliance (UNA).
Nagpahayag din ng pagkabahala si Enrile hinggil sa ‘takedown’ o penalty probisyon ng RA 10175.
Aniya, marapat na magkaroon ng malinaw na probisyon kung hanggang saan ang hangganan at limitasyon para sa pambansang seguridad.
“Even then, the burden of proof must be placed upon government agencies authorized to ‘police’ internet sites. Suppression of any kind and in any form is unhealthy in any free society,” ayon pa sa Cagayan solon.