^

Bansa

Experts nagbabala sa high 'sin tax'

- Butch M. Quejada - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nagbabala ang mga tax experts na posible umanong lumala ang ilegal sa pangangalakal partikular na ang smuggling at hihina rin ang koleksyon sa buwis kapag ipinilit ng pamahalaan ang paniningil ng mataas na buwis para sa produktong alak at tabako.

Sa ginanap na international tax conference sa Manila, binigyang diin nina Prof. Sijbren Cnossen ng Masstricht University sa The Netherlands at dating Rep. Exequiel Javier, na ang mataas na singil ng sin tax ang isa umano sa sanhi ng smuggling sa bansa.

Iminungkahi ni Cnossen na nagsilbing senior adviser ng International Tax and Investment Center (ITIC), na panatilihin ang praktikal o kahinahunan sa itinutulak sa Kongreso na 1,000 porsiyentong taas sa mga sin products, dahil base sa mga pag-aaral ay nagbibigay daan lamang umano ito sa bawal o ilegal na pangangalakal.

Inihalimbawa ni Cnossen ang ilang kaso sa European Union, ang bansang nagpatupad ng mataas na buwis sa tabacco na kinailangan pa nilang ikonsidera ang problema sa talamak na smuggling.

Dagdag pa ng propesor, na hindi maitanggi ang masamang resulta ng plano ng pamahalaan dahil sa mga karanasan ng ilang bansa na nagpakita na ang implementasyon ng mataas na excise tax policy na nagresulta lamang sa smuggling.

Sa panig ni Javier, chairman ng House of Representatives ways and means committee, binigyang diin nito na dapat matiyak ang source of livelihood ng maliit na stakeholders, tulad ng tobacco farmers, bago ang implementasyon ng excise tax hikes.

Sabi nito, kailangang ipatupad ng pamahalaan ang “reasonable” tax increases at handang makipag-compromise para mapanatiling matukoy ang smuggling.

Binalaan din ni Javier ang mga mambabatas na maging maingat sa pagsusuri ng dokumento at data na isinusumite ng iba’t ibang grupo, sa puntong ang bawat grupo ay may pansariling interest.

vuukle comment

BINALAAN

CNOSSEN

EXEQUIEL JAVIER

HOUSE OF REPRESENTATIVES

INTERNATIONAL TAX AND INVESTMENT CENTER

JAVIER

MASSTRICHT UNIVERSITY

SIJBREN CNOSSEN

TAX

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with