^

Bansa

Bagyo papasok sa Lunes

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines -  Minomonitor ng Pagasa ang isang potensyal na bagyo na maaring pumasok sa Philippine Area of Responsibility sa Lunes.

Sa kasalukuyan, isang low pressure area pa lamang ang namataang bagyo, pero malamang na hindi agad makakaapekto sa ating bansa.

Ayon pa sa Pagasa, dalawa hanggang tatlong bagyo ang maaring pumasok sa PAR ngayong buwan.

Ang bagyong si Marce ay lumabas na ng PAR nitong Biyernes at nag-iwan ng isang patay.

Kahapon, wala namang namonitor na tropical cyclone sa PAR. Gayunman, malakas na hangin ang inaasahang makakaapekto sa hilaga at kanlurang baybayin ng Northern at Central Luzon.

Pinaalalahanan din ang mga bangkang pa­ngisda at iba pang maliit na barko na huwag ng makipagsapalaran sa karagatan, habang ang malalaking barko ay inalerto laban sa malalaking alon.

AYON

BAGYO

BIYERNES

CENTRAL LUZON

GAYUNMAN

KAHAPON

MINOMONITOR

PAGASA

PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY

PINAALALAHANAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with