^

Bansa

Political dynasty ipinauubaya ng Malacañang sa mga botante

- Malou Escudero - The Philippine Star

MANILA, Philippines -  Ipinauubaya na ng Malacañang sa mga botante ang isyu ng political dynasty dahil ang mga mamamayan naman ang magsusulat sa balota ng mga nais nilang maluklok sa puwesto.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, maging si Pangulong Aquino ay naghayag noong 2010 elections na hindi dapat i-diskuwalipika ang isang kandidato dahil sa kaniyang pangalan.

Mas mahalaga pa rin aniyang tingnan ang kuwalipikasyon at track records ng isang kandidato kaysa sa isyu ng political dynasty.

Idinagdag ni Valte na mabuting ipaubaya na lamang sa mga botante ang pagdedesisyon da­hil sila ang magsasabi kung sino ang nais nilang maging public servants.

Nilinaw din ni Valte na hindi ipinagtatanggol ng Palasyo ang isyu ng political dynasty lalo pa’t wala namang batas na ipinapasa ang Kongreso para ipagbawal ito.

AYON

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

IDINAGDAG

IPINAUUBAYA

KONGRESO

MALACA

NILINAW

PALASYO

PANGULONG AQUINO

VALTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with