MANILA, Philippines - Nadagdagan pa ang mga mambabatas na naniniwalang unconstitutional ang kontrobersiyal na Cybercrime Prevention Act matapos ihayag ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na gumamit ang nasabing batas ng mga lengguwaheng masyadong malawak at ‘overboard’.
Naniniwala si Santiago na idedeklara ng Supreme Court na unconstitutional ang nasabing batas at pagbibigyan ang dumaraming petisyon na inihain lalo na ng mga ‘netizen’ groups.
Sinabi pa ng senadora na may chilling effect ang nasabing batas dahil napakalawak ng nais nitong saklawin kung saan sinasakop pati ang free expression ng mga mamamayan.
Maliwanag anya sa Konstitusyon ang absolute “No law shall be passed abridging the freedom of speech.”
Naka-sick leave si Santiago dahil sa kaniyang hypertension ng pagbotohan sa plenaryo ang kontrobersiyal na batas.